Busy ako sa pagsusulat ng biglang lumitaw tong bakulaw na Aries sa harapan ko. Amputek nanahimik ang magandang si Pisces tapos guguhuluhin niya?
"Ano na naman ang kailangan mo sakin?", tanong ko sa kanya. Akala siguro niya ay hindi ko siya napansin.
"Bawal ba? Pffft hahaha binibisita ko lang ang magandang dalaga ni Tita Gemini", sagot niya pabalik at pinakialaman ang sinusulat kong tula. Lagot na tayo Pisces judgmental yang bakulaw na yan. Na pa face-palm nalang ako ng magsimula siyang tumawa. Arghh lagot na.
"That Man? Anong klasing title ba naman to. Ang corny promise. Pumapag-ibig ka na naman ba ha? Pag umiyak ka na naman diyan susumbong na kita kay tita at tito", at bumalik sa pagbabasa. Alam kona ang gagawin niya, i-co correct niya ang grammars ko. Matalino ang bakulaw. Nakakahiya naman grasya din yung pagco-correct niya no.
"Ahm, kasi may crush ako sa basketball player na yun", sabay turo ko sa kay Virgo. Stalker din ako kaya d makakalampas yan sakin hihi. Napatawa nalang ako bigla kung paano ako nakapag gather nung informations. Takot lang nila sakin. Nalukot bigla ang mukha ni Aries. Ayan na naman siya wala na sa mood.
"Really? Ang cheap naman ng taste natin. Akala ko ba mga katulad ko ang gusto mo", he smiled at me showing his dimples. Ang cute ng Kuya niyo promise. Haha pero kaibigan lang ang turing ko kay Aries and alam ko namang biro lang yung mga banat niya. Siraulo din yan.
"Yaks, mas cheap ka Aries. Look at your style. Kawawa ang nga babaeng nagkakandarapa sa Team Captain nila. Ang boring mo nga tingnan. Ang baduy", bully din akong kaibigan minsan kaya palaging world war kami nitong si Aries.
"Baduy, pero tinitilian. Amputek hahaha. Btw, ayan na maayos na yang grammar mo. Sa susunod bago ka gumawa ng tula para kay Virgo kausapin moko baka matulungan kita. Alis nako may practice na ang poging abogado"
"Ang hangin", nagpatuloy ako sa pagsusulat ng nakita ko si Virgo papalapit sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero shempre keribels kalma lang ang puso.
"Hi!" naks mga besh ang lamig ng boses.
"Uhm hello, akala ko may practice kayo"
"Meron nga kaso injured yung kaliwang kamay ko kaya di ako makaka practice"
"Ah okay" natameme ako besh. Kunwari nagsusulat ako pero wala naman talaga. Haha
"So, you are from the education department? And nag mo-model din at the same time? You're beautiful"
"Ba't alam mo?"
"Kilala ka ni Aries kaya kilala din kita. Madalas kang nasa kwento niya. Close kayo?"
"Best friends"
"Ah okay, so di ako nakakaistorbo sayo? Kanina kapa nagsusulat and seems like naka focus ka diyan"
"Ah, oo nagsusulat nga ako. San na nga ulit tayo?"
"Sa panliligaw ko sayo. Baka naman sagutin mona ako"
"huh?"
"wala, just continue writing. I like how you move your hands. I wish I was the pen para naman mahawakan moko"
"Bolero din. Pinagsasabi mo diyan?"
"Nothing. Uhmm so see you around? Have a nice day ahead" at nag wink pa siya sa akin.
Pinagpatuloy ko ang pagsusulat at natapos kona ito. Nag design din ako kasi vacant ko ngayon. Tinatamad akong pumunta ng library kasi baka kulitin lang din naman ako doon ng staff.
It was past 5pm nang naisipan kung umuwi. Muntik ko nang makalimutan na may family dinner pala kami, kung hindi pa nag text sakin si Mama ei baka nga tuluyan na akong nakalimot.
Pagdating ko sa bahay nakahanda na ang lahat. Yung mga kasambahay busy sa pag se-set nung platings sa table. Pag family dinner kasi dapat lahat formal ang pagkakaayos. Ganun talaga si Mama. Kaya nakasanayan na rin namin siguro.
"Ma, bihis lang ako tapos bababa na"
"Pisces, dahan dahan. And iha magsuot ka ng formal ngayon may bisita tayo"
"Akala ko family dinner Ma?"
"Your Tita Jem and I will talk about business kaya niyaya ko nang dito maghapunan"
"So kasama sila ni Tito at Aries?"
"Yup iha. Umakyat kana at magbihis"
Nagsuot ako ng simple floral dress at nagsuot ng nude na sandal. Naglagay din ako ng light make up. Nakalugay lang din ang aking buhok. Pagkababa ko ay natanaw kona sila Tita Jem sa dining area.
"Good evening tita"
"Such a beautiful lady. Good evening din iha"
Tiningnan lamang ako ni Aries at hindi na nag abala pang kausapin ako. Parang wala ata sa mood ang abogadong team captain.
Pumunta ako sa upuan at tahimik na kumuha ng pagkain. Business nga ang pinag uusapan nila kaya magpapakabusog ako sa pagkain ngayon.
"Pisces" tumingin ako kay Aries. Malamang ay ako lang ang nakarinig dahil busy sila mama at papa. Pati na din sila tito at tita.
"Hmm" sagot ko dahil may pagkain ang bibig ko. Nakakabastos naman ata kung kakausapin ko siyang may pagkain na lalabas di ba.
"Usap tayo"
"Tatapusin ko lang to, ngayon ko lang di naisip na nagda-diet ako e. Panira"
"Please, usap na tayo"
"Sandali lang Attorney"
Pumunta kami sa terrace doon sa kwarto ko. Mas maganda kasi ang view doon. Normal naman na sa parents namin na palaging magkasama. Kaya hindi na kaming nag abalang magpa alam.
"Ano ang pag-uusapan natin Aries?"
"About, Virgo"
"What about him?" seryoso si Attorney
"Don't fall in love with him. Mangako ka na paghanga lang ang nararamdaman mo sa kanya. Wag kang maniwala sa sinasabi niya. Wag kang magpapaloko. Wag kang papayag na manligaw yun sayo. Pisces, mangako ka. Wag kang magmahal ng isang kagaya niya"
"Crush nga lang ei, ey masyado ka naman atang seryoso ngayon Attorney?"
"Di ako nagbibiro. Stop hurting yourself. Hindi ko kayang umiiyak ka dahil sa maling lalaki"
"Aww possessive, baka ma fall ako niyan Attorney" natatawa kong sabi. Umiwas siya ng tingin sa akin. At nagpa alam na bababa na. Nanatili naman ako sa kwarto para mag retouch ng konti at bumaba na din para magpa alam kina tita.
Natapos ang gabi at kailangan ng umalis nina tita. Tiningnan ulit ako ni Attorney. Nagpapahiwatig na binabalaan nga ako.
Kinabukasan, naabutan ako ni Aries sa labas ng bahay. I was shocked kasi bihira dumalaw ang bakulaw na to.
"Sabay kana sakin Pisces, nagpaalam na ako kina tita at pumayag naman siya"
"Sure Attorney", naka poker face ang bakulaw. Mukhang hindi maganda ang kanyang gising.
Dumating kami sa school at kailangan na naming mag separate ng ways. Alam niyo na Law student siya at sa education ako.
"Thank you Aries"
"Welcome"
Pumasok ako sa klasi na walang natutunan. Wala tulala talaga ako. This past few days kasi palaging bad mood ang bakulaw na yun sa akin. Aba malay ko naman kung anong ginawa ko sa kanya. Manigas siya. Lunch time ng mapagpasyahan kong sa Coffee 'n Go ako kumain. I was bored kaya naman nagsulat ulit ako. I was fond of using words to express my feelings kaya palaging olats ang inyong mamshie pag si Attorney na ang bumasa noon. Ganun siya katalino. Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang mag-isip ng topic. Halos 5 minutes na, pero panay lukot lang ng papel ginagawa ko.
"Hi, are you with someone?", tanong nung lalaki sakin. I did not even glance at him kasi nag focus ako. But his voice is familiar. Bahala na.
"Nakikita mo naman siguro na mag-isa ako no. Dzuhh wala ka bang mga mata", I heard him chuckle.
"Pilosopo pala ang kaibigan ni Aries. So how's school. Balita ko matalino ka at nag to-top ka sa education department"
"Mali ata ang nasagap mong balita", nang umangat ako ng tingin halos maibuga ko yung iniinom kong kape. Wtf?! Seryoso si Virgo nasa harapan ko?
"You're stunned. Ey are you okay? Mukhang nakakita ka ng multo"
"Ahm nothing. Yeah I am okay"
"So, pwedeng umupo dito?"
"Nakaupo kana di ba?", tanga din pala si Virgo minsan ha.
"Yeah, yeah. So kamusta kana? Kahapon busy ka sa pagsusulat. And now still you are writing"
"Oks lang. Ah oo nga pala", tiniklop ko ang papel at tumingin sa kanya.
"Ahm, actually I liked you a lot since nung nakita kita sa library"
"Straightforward masyado. So ikaw pala yung staff na kulit ng kulit doon sa akin?"
"Yeah, kaya nagtaka ako nung d ka umakyat sa library nung free time. I roamed around and I saw you on the bench with Aries"
"Ah okay"
"You are really beautiful lalo na kung malapitan"
"Bolero"
"Just saying the truth"
"Whatever, ahm coffee?"
"Yeah sure my treat"
Nag-aalangan pa akong tumango. Nag-usap kami tungkol sa bagay bagay at nalaman ko din na bookworm siya. Geez, he was a basketball player and also a law student. I was also shocked nung sinabi niya na since freshmen he really admires me.
1 pm pumunta na akong classroom. Mabuti nalang at hindi ako na late. Terror pa naman ang prof namin sa English Major.
"San ka galing girl?"
"Coffee 'n go Leigh"
"With Virgo?"
"Yeah" casual kong sabi sa kanya.
"Are you dating?"
"Ipapatay mo ba ako kina mama at papa ha? Idagdag mo pa ang bakulaw na team captain. Maawa ka sa face ko Leigh"
Humagalpak ng tawa ang gaga. Masaya pa talaga siya sa narinig.