Chapter 5

Chapter 5

Pagkagising ko ay may nakahain ng pagkain sa mesa. Ika-tatlong araw na simula ng umalis ang parents ko at magkasama kami ni Aries sa iisang bubong.

Hindi ko siya nakita labas malamang ay nauna ng pumasok sa dahil mas maaga yung class niya kaysa sakin. Kumain na rin ako at naghanda para pumasok.

Pagkadating ko sa classroom ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Aba malay ko wala naman akong ginagawa sa kanila nanahimik ako dito.

"Psst, alam mo na?"

"Ano ang alam ko Leigh? Kanina pa nga tingin ng tingin sa akin ang mga kaklase natin. Para namang gumawa ako ng scandal diyan at nilapag ang maganda kong katawan"

"Sira, wala ka talagang alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko ha? Letseng tanong yan Leigh sasabunutan na kita"

Tumawa lang siya sa akin. Tapos sinenyasan akong tumingin sa labas. Halos takbuhin kona ang pagitan ni Virgo at ng pinto. Letse nasa banner kasi yung pangalan ko. May dala dala din siyang isang set ng white roses. He is also wearing that genuine smile, the main reason kung bakit mas lalo akong humahanga sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo namang pinag-aagawan ka ng kababaihan dito. Parang ang sarap niyong bugbugin ni Aries pareho"

"Sorry, di ba I told you already na manliligaw ako kahit may pag-asa ako o wala. I will still pursue you eventhough Aries is a threat to me"

Napakagat ako sa labi sa mga narinig ko. Ang mga tao sa education department ay mabilis na nag-ingay and the next thing I knew nasa harap kona si Aries.

"Are you okay? May nangyari ba?"

"Wal--a naman bakit ka nandito? Nasaan na si Virgo?"

"Pinaalis kona nakakairita", muntik kona siyang masampal dahil sa ginawa niya. Bakit niya naman pinaalis yun. Natigil lang ang pag-iingay dahil dumating na ang Professor namin.

"Haba ng hair natin", kinurot ako ni Leigh sa tagiliran. I just threw her stares. Pero dahil kaibigan ko siya hindi matitinag yun.

Nakinig na ako sa lesson ng Prof namin at sa awa ng diyos ay may nakuha naman ako kahit papaano. Pagkadating ng break namin ay nagdesisyon akong wag pumunta sa cafeteria siguradong laman ako ng chismis ngayon.

Actually nabigla din ako sa move na ginawa ni Virgo. He's corny yet romantic. Sa harap pa talaga ng karamihan nagpakita na mahal niya ako. Makalaglag panty kaya yung kagwapuhan niya. I wonder kung anong klasing boyfriend siya pag nagkataon na sinagot ko yun.

I was in the middle of thinking kung kailan, paano at saan ko si Virgo sasagutin ng bigla nalang lumitaw sa harapan ko si Leigh. Nagmumukha din itong mushroom, basta basta nalang susulpot kahit na saan.

"Deep natin masyado. Saang parte kana? Sa naghahalikan kayo ni Virgo? O sa gumagawa ng anak?"

"Ang halay ng isip mo Leigh. Di ko pa nga sinasagot mga ganyan na agad ang iniisip mo. Mas magulo dahil si Aries halatang ayaw niya sa ganoong lalaki"

"Well, hindi ko naman masisisi si Attorney dati pa lang may bakod kana. Si Virgo lang ata ang naglakas loob na ligawan ka"

"Aries is possessive kaya siguro walang masyadong umaaligid sa akin"

"Pisces, bukod sa alam mong possessive siya alam mo din bang may pagtingin yung gagong yun sayo?"

"Siraulo ka ba Leigh?! Anong may gusto, mataas standard ng bakulaw na yun. At mas lalong walang meaning yun. Gaga ka talaga"

Tumawa siya at umiling iling. I can't find any reasons kung bakit may gusto sa akin si Aries. Letse magkakamatayan muna kami nang bakulaw na yun bago ko siya magustuhan.

Lunch time na at nag-aya si Leigh na mag starbucks kami then pupunta kaming NBS. Eksakto naman na nakita kami ni Virgo kaya libre tuloy ang aming tanghalian. He was also suggesting some books na magandang basahin.

"Here. Maganda to, pero depends on you if it suits your taste"

Tiningnan ko ang title at book cover and I also scan the pages. He's right this one is interesting to read. Tumango ako sa kanya.

"You got my taste huh, aside sa alam mo ang favorites ko alam mo din ang likes ko sa mga books. Stalker ka ba ha?"

"Let's say bukambibig ka ni Aries araw araw kaya halos na memorize kona ang mga bagay na gusto at hindi mo gusto"

"Arghh that Attorney is really getting into my nerves. Maliban sa madaldal siya ay parang binenta niya na ako ha"

"As if he would sell you"

"Yeah, he's possessive kaya naman alam kong mahal niya ako as his sister of course. Kaya we get along well"

Sumilay sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti. He is handsome and full package din. Besides simula noon I admire him too, yun nga lang pa crush-crush lang I am afraid for commitment kaya stick muna ako sa lowest rank.

"You're beautiful. Your eyes caught my heart, paired with your smile and amazing personality"

"Siraulo ka"

Sumingit sa usapan namin si Leigh at muntik kona talaga siyang itulak palabas dahil sa mga pinagsasabi niya. Halos lahat ata ng do's and dont's sa relationship ni-recite niya sa amin. She is also warning Virgo na bawal kaming mag sex na unprotected namula tuloy ang magkabila kong pisngi. Ako nahihiya sa mga pinaggagawa niya.

Alas tres ng hapon ng nag-aya si Virgo na umuwi dahil may class pa siya at shempre kami din ni Leigh.

Masaya ang naging byahe namin kasi sobrang daldal ni Leigh they click at masasabi kong magiging magaan ang pagsasama namin.

"Thank you Virgo"

"My pleasure, Lady"

Ngumiti ako sa kanya at mabilis akong kinurot ni Leigh sa tagiliran.

"Baka matunaw"

Doon ko lang napagtanto na titig na titig ako kay Virgo. Naiiling na pumasok na kami dahil baka mapagalitan kami. Mahirap na at sobrang terror pa naman ng professor na iyon sa amin.

"For today's paper work you need to pass a reflective essay about Love and I will assign some of the students to recite and read it here in the front tomorrow. Miss Villamin you will be one of those na mag re-recite sa harap. Miss Reyes you will also be in the list"

Nagkatinginan kami ni Leigh dahil halata namang ayaw namin pumunta sa harap at basahin ang mga gawa namin.

Sa kasamaang palad ay wala din naman kaming nagawa ni Leigh. Mabilis din akong nagligpit ng nga gamit dahil ngayon ang dating nila mama at papa. Ng makalabas ako sa gate ay naghihintay na si Aries sa akin.

"Get in may kailangan sabihin ang parents mo"

Tumango ako sa kanya at nagsuot ng seatbelt pagkapasok. Pagkadating namin sa bahay ay walang sumalubong sa akin na mama. I guess na extend yung business nila from the other country and no choice ako kundi pakisamahan si Aries.

"This is what I am talking about. Your parents called me kanina and they said na hindi sila makakauwi for a month or maybe two months dahil malaki ang kanilang kinakaharap and they are also in the deep process"

"Okay, I had no choice but of course to let you stay here"

"Why does it appears to be inappropriate? Bakit ayaw mo na ba akong makita ha?"

"May sinabi ba akong ganun?"

"Wala naman pero parang nagpaparinig ka na bawal akong manatili dito"

"Masama ang magbintang. Sabi nga nila innocent until proven guilty"

"You're sharp, but why is it your dumb and blind when it comes to me and Virgo?"

"Mag-aaway na naman ba tayo sa ganyan? If wala kanang sasabihin aakyat na ako. I have tons of works to do Aries and ayaw kong maistorbo"

"Well, then let's go upstairs"

I looked at him from head to toe. And then I climb the stairs.

Pagkatapos kong mag shower ay nagpasya muna akong mag open baka sakaling may update ako kay Leigh baka nagbigti na yun. Magaling siya sa essay pero pareho kaming mahiyain.

At hindi nga ako nagkamali meron. Halos isumpa niya ang prof namin sa chat.

"Hoy gaga, nagsimula kana? Lintiks na prof yun tayo pa talaga ang nakita konti nalang gigilitan kona siya ng leeg"

Napatawa ako sa chat niya. Ganun talaga si Leigh ayaw na ayaw nag re-recite sa harap kaya malamang hindi maganda ang mood niya ngayon.

"Chill, malalampasan natin to. Remember hahaha kailangang kapalan natin ang ating mga mukha bukas. Sayang grades Leigh"

"Mabuti nalang talaga at grade conscious ako dahil kong hindi aayaw talaga ako bukas. O siya sige off nako kailangan kona gumawa at mag digest ng words"

"Sira, haha yeah sige bye"

Nag log out nadin ako para gumawa at mabuti naman dahil natapos ko siya bandang alas dyes ng gabi. Bumaba ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagka akyat ko sa itaas ay nakita ko si Aries na busy sa kanyang paper works. Bahagya kasing nakabukas yung pinto niya. Nakikinig din siya sa worship songs. Madalas niyang gawin yun maybe, to relax himself. Nakita niya ako at tinapunan ng tingin. Bumalik din naman ulit siya sa pagsusulat.

Pumasok na ako ng kwarto at nag open ulit. May message doon si Virgo sa fb ko.

"Lunch tayo bukas? My treat susunduin kita sa labas ng room niyo. Ily lady"

Gumulong ako sa kama dahil sa kilig at nagtipa sa keyboard para mag reply.

"Sure, cge hihintayin kita doon"

Nag log-out na ako pagkatapos dahil gabi na at kailangan kong magpahinga ng maayos. Nang ilapag ko sa bedside table ang phone ko nag vibrate iyon at isang mensahe galing kay Aries ang aking nakita. Last night's and tonight's message is the same.

"Good night, mo chroí" hindi na ako nag-abalang replayan siya at ei search iyon malamang ay tungkol sa law ang word na kayang sinend sobrang baliw.

Category
Dark
Set up