Chapter 4

Chapter 4

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi kona nakita pa si Aries. Sabi ng maids hindi naman daw siya lumabas ng bahay. Mukhang nagkulong sa kwarto para mag-aral. Maghahapunan na ng nakita ko siyang bumaba ng bahay. He was not in the mood I could sense it. Mukhang dense yung cases na inaaral niya.

"Kumain kana nakahain na yung pagkain", bungad ko sa kanya dahil hindi man lang niya ako pinansin o kaya ay tinapunan ng tingin.

"I'm full. Kumain kana. Bumaba lang ako para ei check if my istorbo ba dito sa sala. Balak ko sanang dito mag-aral ng cases"

"You're full? Pero sabi kanina ng maids hindi ka kumain ng tanghalian. Hindi ka din nag meryenda"

"When I said I am full, I really am"

"Okay sorry I did not mean it"

"Eat up babalik na ako sa taas"

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Mabilis ko ding natapos ang pagkain. Nag desisyon muna akong mag shower. Pagkatapos ay nag review at gumawa muna ako ng paper works bago ako mag open ng social media ko.

Bumungad sa akin ang halos sampung mensahe ni Virgo.

"Hey, are you still there?"

"You're active but hindi ka nag reply"

"Are you shocked?"

"Dapat pala sinabi ko ng personal"

"Pisces are you mad?"

"I am waiting for your response lady"

"Just update me if tapos kana ng mga works mo"

"Nag lunch kana?"

"Naghapunan kana?"

"Still busy?"

Agad akong nagtipa sa keyboard para mag reply sa kanya.

"Slr. Aries went into my room and something came up. Na busy din ako sa paper works ko"

After 5 minutes nakita kong online na siya

Typing...

"You are not shocked?"

"A little bit. Pero it's okay"

"May ginawa ba si Aries sayo?"

"Wala naman"

"Free ka bukas? Pupunta tayong Satori Cliff"

"Yep free time ko. Hmm what time ba?"

"As long as free ka"

"9 am?"

"deal"

Ilang oras pa kaming nag-usap bago ako nag paalam na matutulog na. Bumaba ako para uminom ng tubig at naabutan ko si Aries na busy sa mga papers niya.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Eksakto namang pumasok siya. Akala ko hindi niy ako papansinin pero nagulat ako nung nagsalita siya...

"Still awake? It's late"

"Iinom lang ako ng tubig at matutulog na din"

"Hmm... Nag-usap kayo ni Virgo?"

"Why do you ask?"

"Bawal?"

"Nah, wala naman akong sinabi"

"Your good at dodging the question"

Tipid akong ngumiti at lumabas sa kusina. Pero bago pa ako maka akyat sa hagdanan nagsalita siyang muli.

"Your mom called at pinapasabi sakin na bawal kang lumabas pag hindi ako kasama. Wag mo sanang suwayin ang mama mo Pisces"

I'm doomed. Paano kami lalabas bukas ni Virgo if kasama si Aries. Bahala na sasabihan ko nalang siya na kailangan kasama si Aries or else di kami makakapunta sa Satori Cliff.

Pinaalam ko kaagad yun kay Virgo and after a few arguments nanalo ako sa kanya at pumayag siyang kasama si Aries.

Natulog na ako at napagdesisyunan na bukas kona sasabihin kay Aries na pupunta kaming Satori Cliff.

Bago ako nahiga ay umilaw ang cellphone ko at nabasa ko na galing ang text message kay Aries.

"Good night mo chroí "

Hindi na ako nag-abala pang mag reply. Kinabukasan pagkababa ko sa kusina ay nakakarinig ako ng mura at napahawak nalang ako sa akong noo ng makita na si Aries ang nagluluto.

"Fuck, damn this bacon"

Napatawa nalang ako, pati pagkain ay minumura niya.

"Shit baka magalit na naman si Pisces dahil sinunog ko na naman ang pagkain", rinig na rinig ko ang kanyang pinagsasabi. Hindi kona napigilan na pumasok.

"Magagalit talaga ako dahil matigas yang ulo mo Attorney"

"Damn", napamura ulit siya dahil pagkabigla at sumigaw dahil napaso siya.

Nagpanic ako dahil halatang nasaktan talaga siya. Pero sa halip na mainis sa akin ay tumawa nalang siya.

"Umupo ka doon at ako na ang magluluto"

Tumango siya sa akin at mabilisan kong tinapos ang pagluluto dahil bukod sa may pag-uusapan kami ei gagamutin ko pa ang sugat niya sa kamay.

Pagkatapos naming kumain ay ginamot ko ang sugat sa kamay niya.

"Ouch it hurts"

Binatukan ko siya dahil sa kanyang sinabi.

"Masakit? Tapos kung tumawa ka kanina parang wala lang? Ang tigas din ng ulo mo Attorney ganyan kaba lalaban sa korte?"

"Bakit nadamay ang propesyon ko?"

"Wala matigas lang kasi talaga yang ulo mo"

He smiled.

"Anyways pupunta kami ni Virgo sa Satori Cliff ngayong araw. At dahil bawal akong lumabas na hindi ka kasama sasama ka sa amin"

"Mukha bang pang thirdwheel tong mukha ko?"

I was about to laugh when he hit another statement.

"You're mom also said na pag hindi ako pumayag hindi ka lalabas", he grinned at me while saying those lines.

"Minsan lang naman Aries. Payagan mo na ako. Or else tatakas ako dito sa bahay"

"Sa tingin mo basta basta ka nalang makakatakas?"

"Basta aalis ako. Kung hindi ka sasama wala akong pakialam"

"You're not going anywhere Pisces. Pag sinabi kong hindi ka aalis hindi ka aalis"

"Selfish Attnorney. Damn! Bahala ka sa buhay mo tatawagan ko si mama at sa kanya ako magpapaalam"

"Don't ever go against your mom Pisces. You're being stubborn"

"And you're being an asshole. Bakit ba tutol ka? Gagala lang naman. May masama ba doon? Isasama nga kita di ba?"

"I am busy and I need to do my paper works"

"Akala ko ba tinapos mo na kagabi?"

"Hindi ganun kadali yun"

"Then whatever aalis ako sa ayaw at sa gusto mo"

"At mananatili ka dito pag sinabi ko!", nagtaas na siya ng boses sa akin. Fuck it bakit ba ang possessive niya? Hello mag-uusap lang kami ni Virgo hindi kami magtatanan o kaya gumawa ng bata. Letse!

Padabog akong umakyat sa itaas dahil nga sumusobra na si Aries. Naririnig ko pa siyang sumisigaw ngunit tuloy tuloy ako sa paglalakad.

Nag lock ako ng kwarto dahil masama talaga ang loob ko sa kanya. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng tawag mula sa labas ng kwarto ko.

"Pisces, look I am sorry"

"Open this door"

"Okay cge payag na akong sumama sa inyo sa Satori Cliff"

"Pero bawal kang tumabi kay Virgo"

"Just please Pisces open this door"

"Mas mabuti kung sa akin ka tumabi ang gwapo gwapo kaya ng attorney mo kaya bawal maging thirdwheel"

Napatawa ako sa huli niyang sinabi. Binuksan ko ang pinto at halos hindi maipinta ang kanyang mukha. Magulo ang buhok niya at nakasimangot din. His eyelashes could be seen when his blinking his eyes. Why so handsome attorney?

"Talaga? Papayag kana? Maliligo lang ako tapos susunduin ako ni Virgo sa labas"

"I'll take a shower too"

Isinara ko na ang pinto at tumalon talon dahil ako ang nanalo sa aming dalawa. Malapit na talaga akong gumulong gulong sa sahig.

Mabilisan akong naligo at nagbihis. I decided to wear a croptop with a word "Angel". I paired it with tattered jeans and snickers. Naglagay din ako ng kaunting blush on at liptint.

Pagkababa ko ay nakita ko si Aries na naghihintay sa akin. He's wearing a kakhi pants paired with white t-shirt. He looks hot and gorgeous. Kumunot ang noo niya ng makita ang suot ko.

"Bakit d ka nalang naghubad?"

"Desente naman tingnan damit ko ah"

"Wait me here may kukunin lang ako"

Tumango ako. Pagkabalik niya ay may dala na siya jacket. Binalewala ko na lang ito dahil di ko alam kung saan niya yun gagamitin. Pagkalabas namin sa gate ay naghihintay na sa amin si Virgo. Ngumiti siya ng makita niya ako at nawala iyon ng dumapo ang kanyang tingin kay Aries. May dalang kotse si Virgo at doon kami sumakay.

Tahimik lang ang buong byahe namin. Sa sobrang tahimik ay parang mabibingi na ako. Nasa shotgun si Aries at Virgo. Kulang nalang magpatayan sila sa pagpapalitan ng tingin.

Namg makarating kami sa Satori Cliff ay naisipan naming pumunta sa favorite spot ko. Nag take kami ng pictures doon at pagkatapos ay bumili ng pagkain.

Tahimik lang akong kumain ng fries ko. At si Aries naman ay umiinom ng shake niya samantalang si Virgo naman ay kumakain ng Spaghetti.

"How are you Pisces?", tanong sa akin ni Virgo.

"I am fine how about you?"

"Still breathing and hyperventilating because of you"

Narinig kung umubo si Aries sa sinabi ni Virgo.

"Bolero ka talaga"

"Anyways after Satori Cliff saan mo gustong pumunta next free time mo?"

Sasagot na sana ako ngunit mas naunang magsalita si Aries.

"This will be the last bonding you two will have. Hindi siya pinayagan ng mom niya kaso nakakahiya if um-oo na sayo tapos d kopa payagan"

"Ikaw ba ang tinatanong ko?"

"Hindi, but I am his guardian right now. How dare you disrespect me and my rights to speak for her?"

"Bakit ka nga sumama ei hindi naman kita niyaya"

"Ask Pisces to enlighten yourself"

Sumabat na ako sa usapan dahil mukhang hindi na pupunta ito sa magandang usapan.

"Uhmm... Ako ang nagyaya sa kanya Virgo sabi kasi ni Mama bawal akong lumabas pag hindi siya kasama"

"Oh okay. Sorry Attorney", tumango naman si Aries sa kanya ngunit ramdam ko parin ang pagpapalitan nila ng matatalim na tingin. If staring could just hurt  you both of them would probably die right now.

Pagkatapos namin sa Satori Cliff ay nagpasya na kaming umuwi. May pasok bukas at may tatapusin pa kasing works si Aries. Same as me kailangan ko pang mag review.

"Bye Pisces, good night"

"Thank you Virgo, have a safe ride and good night"

Pumasok na kami sa bahay ni Aries at mayamay lang ay nagsalita na siya.

"Trust me Pisces konting konti nalang sasabog na ako kanina"

"He's nice what's wrong?"

"Can't you see? Hindi siya pasado sa taste ko", he blurted out.

"Bakit ikaw ba ang sasagot?"

My words cut him off. Naglakad na siya pataas kaya hinabol ko siya.

"I am not your property Aries. You can't dictate me what to do or whom I should be spending my life with. Stop messing around Attorney"

Tiningnan ko siya sa mata pagkatapos kong sabihin sa kanya yun.

"Good night Aries"

Hindi na siya nagsalita muli at pumasok na ng kanyang kwarto. Pumasok na din ako para magpahinga. May pasok pa ako bukas.

Pipihitin ko na sana ang pinto ko para pumasok ng bumukas ang kanyang pinto.

"You're my chuisle mo chroí Pisces"

Chuisle mo chroí means "Pulse of my heart" in Irish.

Mo chroí means "my heart".

Category
Dark
Set up