Chapter 3

Chapter 3

Lumipas ang ilang araw na ganun ang set-up namin ni Aries. Ihahatid sundo niya ako, sabay kami mag lunch at pag vacant namin pareho pupunta kaming Satori Cliff o di kaya sa mga lugar na may magandang view.

Si Virgo okay naman kami. Nag-uusap na palagi. Nagkakamabutihan na din ng loob. Updated ako always kung saan siya at sino ang kasama. He even calls pag free time namin pareho. Tulad nalang ngayon pupunta kaming NBS mag bo-bonding kami doon. Hindi alam ni Aries na ganun na kami ni Virgo iwas panira at iwas sa bakulaw na possessive.

"Pisces, what do you want to read?"

"Poetry, William Shakespeare books?"

"You really love deep words with amazing definition huh", he chuckled sabay abot ng libro sa akin.

"Parang nahiya ako sayo ha, you also loves to speak deep words and sometimes hindi ko talaga gets"

"Katulad ng?"

"Ah basta. Anyways maaga akong uuwi ha? Mag-uusap pa kasi kami ni mama tungkol sa mga do's and dont's"

"Business"

Umiling ako.

"Nope sila ni mama at papa kasi aalis for 3 days and maiiwan ako sa bahay ng mag-isa kaya kailangan namin mag-usap para sa safety ko. My parents are protective lalo na at muntik na akong ma trauma dati", pagpapaliwanag ko kay Virgo.

"Oh, okay. If you want someone na makakausap, I'm just one call away. Or if you need anything you can tell me"

"Thank you Virgo. It really means a lot to me. But don't worry I can handle myself"

I was about to put up another conversation when my phone rang. Irritation flashed on my face ng makita na si Aries ang tumatawag.

"What?"

"Wag mokong ma what-what Pisces. Hinahanap kana ni Tita Gemini dito. Where are you? Susunduin na kita"

"Going home. Just stay there will you? Masyado kang demanding Attorney" ibinaba kona ang tawag ang tumingin kay Virgo. I told him na uuwi na kami dahil hinahanap na ako ni mama. Pumayag naman siya at sabay kaming umuwi.

Pagkapasok ko palang ng gate ay natatanaw kona si Aries sa pintuan. And I could clearly see bad mood siya.

"Where have you been?"

"NBS", plain kong sagot sa kanya.

"With Virgo? How many times should I tell you na lumayo kana sa kanya? You're being stubborn"

"So what? Masama bang maging masaya? You're crossing the line attorney" nilagpasan ko siya at pumasok na sa bahay. Nakita agad ako ni mama at sinabihan akong mag-ingat. Si Aries din daw ang makakasama ko sa bahay. Kaya mas lalo akong na bad trip. Sheez monitored na naman ako nito.

Kinaumagahan pagkapasok ko sa kusina ay hindi ang maid ang nagluluto, si Aries ang nasa tapat ng frying pan at halatang tensyonado. Hmm I smell something inaccurate. Bakit naman nagluto to?

"Good morning Aries", bati ko sa kanya.

"Morning" at nagsimula na siyang maghain sa mesa. I was so excited to taste the food when suddenly my jaw dropped,

"What did you do? Mukhang pagkain pa ba yang hotdog? Aries naman"

"Shut up, masarap pa rin to. Natural luto ng isang abogado"

He cooked for me. But I was devastated nung makita ko yung nakahain. Sunog na hotdog, itlog at rice. Arghh nagsayang lang siya ng pagkain.

"Pisces kain na. Malalagot ako kay tita pag di ka kumain"

"Anong kakainin ko diyan? Ha? Lahat sunog. Isusumbong kita kay Tita ikaw ang nag presentang lulutuan ako pero mukhang nag-aral ka kung paano sunugin yung foods"

"Sorry did I disappoint you?"

"Hindi", he smiled at me pagkasabi kong hindi ako dis appointed.

"Sinira mo lang ang araw ko Aries"

Yumuko siya dahil siguro sa nagawa niya? Eh kasi naman hindi siya dapat nagluto if di siya marunong. Can't he use his commonsense?

"Umupo ka diyan ako na ang magluluto ng agahan"

Tumango siya at pumunta sa counter table. Nagluto ako ng ham, hotdog at fried rice. Nagtimpla din ako ng coffee. I love coffee kaya di ako umiinom ng gatas. Natuto din akong magluto kasi nga late na ako kumakain at madalas wala ang parents ko sa bahay.

"There, eat up Attorney. And please next time don't waste the food"

"Sorry gusto ko lang naman magluto"

"I understand your point. Pero paano nalang kung nasunog mo ang kusina? Paano nalang if napaso ka pala ha? Don't try cooking if di kapa sanay. I care for you Aries"

"Sorry and thank you for reminding me"

Pagkatapos namin mag-agahan ay nagpasya akong maligo. Saturday ngayon and wala naman akong gagawin. Pagkatapos kong maligo ay tumungo ako sa terrace ng kwarto ko. I read the book na nabili ko sa NBS nung pumunta kami ni Aries doon. I was amazed kasi ang galing ng author magsulat and I can't even predict it easily. Habang nagbabasa ako ay nasa kabilang terrace naman si Aries. He was reviewing for cases I guess andaming papers na nakakalat sa center table niya and he's serious. I guess di ko muna siya iistorbohin.

Nag open ako ng social media ko at may message doon si Virgo

"Good morning, pretty. Can I ask you why are you not guilty?"

"Morning too. Huh?"

"Wala haha you just stole my heart"

Typing...

"How are you?"

"I am fine. How about you?"

"I'm hyperventilating"

"Relax. What happened?"

"Someone made me fall inlove with her even more"

Nasaktan ako doon. May iba na palang mahal lumalandi pa sakin.

I was about to reply when he sent me a message again.

"Chill, ikaw lang naman yun Pisces"

"haha bolero ka"

"Nah, I am serious. Starting from today 'till my last breath I'm gonna court you wether there will be a single chance or not at all. Hindi ako susuko. I am gonna prove that you deserve me"

Napatili ako sa kilig. I did not even expected this. Yan tuloy pinuntahan ako ni Aries sa kwarto.

"What happened? Bakit ka sumisigaw? May problema ba? You need me?"

"Wala"

"Then why are you shouting Pisces?"

"Virgo wants to court me. Scratch that Virgo loves me", at tumalon talon ako sa kama.

"You're crazy. Mahal agad? Di mo pa nga kilala", his aura became dark. The possessive Attorney is dominating my mind once again.

"Cut the crap Pisces, hindi mo siya sasagutin"

"Whatever, basta papatunayan niyang mahal niya ako enough na yun. Who knows kung anong mangyayari"

Napahilot siya sa kayang sentido. It's like he's having a big problem.

"Babalik na ako sa kwarto. I have to study harder to fight for you Pisces"

Umalis siya sa kwarto ko. Natulala ako di ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. But one thing is for sure.

I love Virgo.

Category
Dark
Set up