ERICA
Dinalhan ako ni manang ng pagkain at gamot. Sumubo lang ako ng kaunti at pagkatapos ko ay tumungo ako sa kabilang kwarto kung saan nakadisplay ang mga branded at mamahaling wine ng asawa ko. Hindi ko ininom ang gamot na binigay ni manang dahil feeling ko hindi iyon ang kailangan ng katawan ko. Hindi ko rin pinakinggan si Fatima. I can't help it anymore hinahanap ng katawan ko ang alak. Simula ng maikasal ako kay Troy ay marami ng nagbago sa buhay ko. May limitasyon na ako bawal na sa ganito, bawal na sa ganyan. Sinunod ko lahat ng gusto niya kasi sobrang mahal ko siya. Gabi na pero...