ERICA
Mukhang natatauhan si Fatima sa huling sinabi ni Troy dahil lumuluwag ang paghawak niya sa buhok ko! Nang tuluyan niyang pakawalan ay wala akong sinayang na oras at tumakbo kay Troy, niyakap ko siya ng mahigpit. At doon ibinuhos ang lahat ng luha ko. “Ssshhh, baby it's okay! You’re safe now!” Pag-aalo niya sa’kin habang hinahagod ang likod ko. “Fatima, ‘wag mong gawin yan!” Nagulat ako sa sigaw ni Troy kaya kumawala ako ng yakap at nilingon si Fatima. Humawak ito sa barandilya at tumingin sa baba na parang gustong tumalon! Subalit may isang tao pa ang sumigaw na nag patigil at nagpalingon sa’ming tatlo! “Huwag mong gawin yan!...