ERICA
Pagbaba ko ay nakita ko si Fatima at prenteng nakaupo sa sofa. Naka dikwatro ang paa na para bang nasa sariling bahay lang. Nakita niya agad ako. "Hi good morning." Bati niya sakin.Tumayo siya at lumapit sakin."Good morning." Sagot ko. "Balita ko hinahanap mo raw ito?" Sabay abot sakin ng wedding tape namin ni Troy.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kinuha ko sa kamay niya at nilagay sa dibdib na parang niyayakap ko.
"Bakit na sayo to at san mo nakuha to? Paanong napunta to sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.Sobrang saya ko dahil nasauli na sakin ang tape napakahalaga nito sa buhay ko. Napangiti siya. "Oopps! Dahan-dahan...