ERICA
Kinabukasan ay napagpasyahan naming dalawin ang puntod ng mga magulang ko sa Cavite. At saka dadalawin rin namin si Lola Perla at pati na rin sina Tito oscar. Bumili kami ng bulaklak at pagkain sa daan. Kasama ang buong pamilya ni Troy sa pagdalaw dahil gusto rin nito makilala
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil naging okay na kami ni Troy, pati ang pamilya niya ay mabait pa rin ang pakikitungo sa akin lalo na sa anak ko.
Sila na palagi ang kasama ni Eric kaya itong asawa ko laging nakakaisa sakin, gusto atang masundan agad si Eric.
“Hey, what are you thinking? Bakit ka napapangiti diyan?” Baling...