Chapter 25: Invited

Chapter 25: Invited

ERICA

Pagkatapos ng mga guni-guni kong iyon ay tinawagan ko na nga si Elmo. At hindi naman nagtagal ay sinagot na niya. Baka busy lang siya kahapon, nagtataka na tuloy ako kung ano na ang sitwasyon nila ni Lola Perla. Siguro naman maayos ang paglilipat nila sa Cavite.

“Hello, Ekay! Bakit napatawag ka? Kumusta ka diyan? Hindi ka na ba inaalipusta ng asawa mong —-?”

“Relax El, grabe ang tanong mo ha?” Napapangiti kong putol sa mga sasabihin niya. Masyado siyang exaggerated.

“Eh kasi naman di ba? Baka kung ano na ginagawa sayo diyan, buntis ka pa naman,” aniya.

“Hindi El, huwag kang mag-alala, mukhang nagbago na si Troy, mabait...

Login
Category
Dark
Set up