"WHAT can I can do for you, Adan James Martinez?"
Mariin na kinuyom ni Adan ang mga kamao. Gusto sana niyang mariin din na ipikit ang kaniyang mga mata tulad noon. Sa tuwing naririnig niya pa lamang ang tinig ng halimaw na ito--- pumipikit na siya at nagtutulog- tulugan. Pero tapos na ang mga araw na 'yon. Iba na ngayon. At saka, narito na siya. Kaharap niya na ngayon ang halimaw. Wala nang urungan 'to.
Ang halimaw ay naka- upo sa swivel chair na nasa likod ng mesa sa opisina nito na kung pagmamasdan, akala mo ay kagalang-galang. Ang katibayan ng titulo sa pagkatao nito ay naka- hilera sa bawat...