"NAGPAKULAY pa nga siya ng buhok no'ng umagang 'yon." Sumisinghot na sabi ni Mrs. Toralva sa mga kausap na bisita sa burol ng anak.
"Siguro may nakapasok nang hindi nalalaman ng katulong. Pinag- aralan din ang cctv at wala naman nakuhanan," Galit na turan naman ni Mr. Toralva. Kausap na ngayon ng mag- asawang Toralva sina Mr. & Mrs. Medina na siyang mga parents ni Arielle. Kararating lang nila roon. Siya nama'y lumapit sa ataul ng kaibigan. Naroon sina Fatima at Tricia, nakasilip. Unti-unti na rin na dumaragsa ang tao sa gabing 'yon. Unang gabi ng burol ni Hera Toralva. Ang tangang kaibigan nila na pumayag na lang na basta...