PAA, tuhod, balikat, ulo..
MASAYA na umiindak si Therese. Sinasabayan niya ang tugtuging pambatang 'yon. Paborito niya na sayawin 'yon. Paborito rin ng nanay at tatay niya na ipasayaw sa kaniya.
Pero hindi si ...
"Naku, sinasayaw mo na naman 'yan! Hoy, Therese, masyado ka ng matanda sa tugtugin na pang- kinder na 'yan."
Nagtawanan ang dalawa pa na bata na palagiang kasama ng batang nagsalita. Ang mga batang ito ay palagi na lang na hinahamak ang pagsasayaw niya. Sa totoo lang, palagi naman ganoon ang mga ito simula pa no'ng magka- isip siya. Walang ibang kantyawan kung hindi siya. Pare- pareho sila ng edad. Oo nga at hindi na...