MAHUSAY niyang pinintahan ang mga kuko sa paa ng customer niya para sa hapon na 'yon. Kulay itim ang pinili nitong kulay. Na hindi na niya pinagtatakhan at nababagay naman kay Tricia Montalban ang kulay na 'yon dahil maputi ito.
"Ayan, dalawang daliri na lang!" Masaya pa na napa- palakpak si Tricia Montalban sa resulta niyon sa sariling mga paa.
"Ang ganda po, bagay sa inyo," turan niya kay Tricia.
"Oo nga e. Matutuwa si Adan, 'pag pinakita ko 'yan sa kaniya."
"Dinig ko nga po na boyfriend niyo si Adan Martinez."
"Kilala mo siya?"
"Opo, dati rin kasi akong nag- aaral sa LM High. Na- kick out lang ako...