Nagmadali akong umuwi upang makapagready pa ng dinner namin ng anak ko. Habang nagpreprepare ay nakaramdam ako ng pagkahilo bigla. Agad akong nagpunta sa banyo. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kinuha ko ang test kit.
Kailangan kong gawin to. Kailangan kong malaman kung buntis ako o hindi.
Taking a deep breath, tinest ko ang sarili ko. Halos mabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang dalawang guhit. Kumuha muli ako ng isa pang ibang test kit upang kompirmahin ang resulta. Walang pagbabago.
Buntis ako.
At hindi ako puwedeng magkamali. Si Jack lang ang tanging nakagalaw sa akin the past month. Doon ko na lamang naalala na hindi...