"Nandito rin pala kayo," sambit ko at binigyan sila ng ngiti.
"Yes tita," napatingin si Crista kay Ryan.
"Ah, si Ryan nga pala. A friend of mine. Ryan, this is Crista, Aki's wife," pag-papakilala ko sa dalawa. Nag-kamayan sila Ryan at Crista.
Dahil hindi naman sila naiba ay nagyaya akong mag-join table na lang kami. Batid ang saya sa mukha ni Crista nang marinig ang pagyayaya ko. Nginitian ko ito at nagsimula na rin silang kumain kasabay namin.
"So, sir Ryan, I believe hindi lang friend tingin mo kay Mama," sambit ni Crista na siyang kinagulat ko. Sinabihan ko ito na i-drop na ang pag-tawag sa akin ng "tita" instead...