Chapter 41 Marianne

Chapter 41 Marianne

Hawak ang kamay ni Jack rinig ko ang bilis ng tibok ng aking puso habang nasa ambulansya. Nang halos wala na kaming pag-asa ay dumating sila Jonah kasama ang mga pulis. Maging sila Bon ay dumating rin at tumulong.

Patuloy ang pag-aagaw buhay ni Jack at wala itong malay na nakahiga sa harap ko. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay. Hindi siya pwede mawala. Hindi niya kami pwede iwan ni Amy.

Tila nagdaan ang ilang taon habang nasa sasakyan kami ni Jack. Ito na yata ang pinakamatagal kong byahe na kinatatakutan ko ring matapos. Dahil pagkarating na pagkarating sa hospital, sinabihan akong tumigil ang puso ni Jack.

"... what?...

Login
Category
Dark
Set up